Monday, October 27, 2008

simula.

iniwan nanaman ako ngayon.
parang eksena sa pelikula. umuulan habang nakadungaw ako sa bintana ng opisina namin at pinapanood silang sumakay sa lrt at umalis. may tinginan at kaway kaway pa at background music na 'gold in them hills'. kulang nalang habulin ko yung lrt, tumatakbo at sumisigaw na wag akong iiwan. WTF.
ok na din siguro yun. bigyan ng pagkakataong mamiss ang isang tao. babalik din naman siya bukas. :D

ito ang simula ng bago kong blog. kadalasan, 'pag sinubukan ko magsulat, walang salitang lumalabas. kung sakaling may lumabas man, mababasa nyo dito. kung wala talaga, gagawin ko nalang siguro tong picture o doodle blog. tinggan ko. tinggan mo. tinggan natin. :)


There's gold in them hills
So don't lose heart
Give the day a chance to start.